NAGDAOS ng energy forum ang Association of Philippine Electric Cooperative o APEC Partylist sa SAMELCO -1 grounds sa Calbayog City, araw ng Huwebes, January 30, 2025.
Sumentro ang usapin sa mga programa ng APEC Partylist na karamihan ay naisabatas na tulad ng EPIRA Law, na ang layunin ay pababain ang presyo ng kuryente.
Ipinaliwanag ni APEC Partylist Representative Sergio C. Dagooc na nag-file din siya ng panukalang batas para i-extend ang operasyon ng Philippine Wholesale Electricity Spot Market o PWESM. Bukod dito ay may ibat-ibang mga batas na aniya na inakda ang kanilang grupo na ngayon ay pinakikinabangan na ng mga electric consumers.
Ikinadismaya naman ni Dagooc ang aniya ay kawalan ng expertise o kaalaman man lamang ng mga humahawak ng komitiba ng enerhiya sa senado dahilan para hindi nila lubos na maintindihan ang mga hinaing nang nasa power sector at power industry.
Hiniling naman ng opisyal ang suporta ng mga empleyado at member consumers ng SAMELCO-1 para maipagpatuloy ang pagkakaroon ng kinatawan ng APEC sa Kongreso.
Kung tutuusin ay kaya aniya na makapagpaluklok sa senado ng nasa sektor ng kuryente dahil sa kasalukuyan ay maroong 16-Milyong member-consumer/owners ang 121 electric cooperative sa buong bansa.
Samantala, Lubos naman ang naging pasasalamat ni General Manager, Atty. Edzon G. Piczon sa pagbisita ng kinatawan ng APEC Partylist pati na ni GM Allan L. Laniba, ang presidente ng NAGMEC.
Dumalo rin sa energy forum ang mga Board of Directors ng SAMELCO -1 sa pangunguna ng Board President na si Leonardo B. Piczon Jr., pati an ng mga empleyado at trabahante ng electric cooperative.
Ang APEC ay pang 43 sa balota sa halalan 2025.