BINALAAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng beauty soaps na nasa ilalim ng brand ng vlogger-entrepreneur na si Rosemarie “Rosmar” Tan-Pamulaklakin dahil sa pagiging hindi rehistrado.
Sa advisory ng FDA, walang valid certificate of product notification as of Dec. 17, 2024, ang Rosmar Skin Essentials na “Premium Niacinamide Soap” at “Mysterious Madre Cacao Soap.”
ALSO READ:
Barbie Imperial, nilinaw na walang “bad blood” sa pagitan nila ni Sarah Lahbati
Pilipinas, humihirit na ibaba ang taripa para sa mga saging na iniluluwas sa Japan
Ex-couple na sina Katrina Halili at Kris Lawrence, pinakilig ang fans sa mga TikTok videos at livestreams
3 real estate assets, target ibenta ng gobyerno ngayong 2026
Nakasaad din sa advisory na dahil hindi dumaan ang unauthorized cosmetic products sa notification process ng FDA, hindi magagarantiyahan ng ahensya ang kalidad ng produkto at kaligtasan ng consumers.
Samantala, iginiit ni Rosmar na tumatalima naman sila sa FDA, subalit patuloy na nire-reject ng ahensya ang kanilang aplikasyon.
