2 July 2025
Calbayog City
Local

Empleyado ng LTO sa Catbalogan City, sinuspinde dahil sa ilegal na paglilipat ng pagmamay-ari ng sasakyan

SINIBAK sa pwesto ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa Samar na sangkot sa umano ay Illegal Transfer ng Ownership ng mga sasakyan.

Siyamnapung (90) araw na Preventive Suspension ang ipinataw sa naturang empleyado dahil sa ilegal na pagre-rehistro ng isang kotse.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, iniimbestigahan ang empleyado sa reklamong Gross Neglect of Duty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service matapos matanggap ang sumbong mula sa isang complaint.

Batay sa reklamo, ang Supervising Transportation Regulation Officer sa Catbalogan City ang sangkot sa ilegal na paglilipat ng ownership ng kaniyang sasakyan na Sedan.

Nagsumite ang nasabing complainant ng mga dokumento na magpapatunay ng transaksyon sangkot ang naturang opisyal.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).