PLANO ng Northern Samar Provincial Government, katuwang ang Tres Medica Inc. – isang Healthcare Provider, na magtayo ng Dialysis Centers sa lalawigan.
Sinabi ni Jhon Allen Berbon, head ng Provincial Economic Development and Investment Promotions Office (PEDIPO), na inilipat nila ang kanilang focus sa Healthcare Sector, at pinag-usapan ang posibleng partnerships para dalhin ang kanilang mga serbisyo sa probinsya.
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Aniya, sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa Pribadong Sektor para sa pagtatayo ng mas maraming Dialysis Centers, hindi na kailan pang bumiyahe ng malayo ng mga pasyente at magtiis sa mahabang pila para tumanggap ng kinakailangang serbisyong medikal.
Sa inisyal na plano, magbubukas ng tatlong Dialysis Centers sa Catarman, at sa mga bayan ng Allen at Laoang.
Ang Tres Medica Inc. ay nag-aalok ng de kalidad at mahusay na Healthcare Services at Supplies sa merkado, at may tatlong Dialysis Centers na matatagpuan sa Cainta, Rizal; Marikina City; at Quezon City.
Ang bawat center hosts ay may average na sampu hanggang dalawampung Dialysis Machines at may kakayahang mag-serbisyo ng mahigit apatnalibong pasyente kada buwan.
Ang Healthcare ang isa sa Investment Priorities ngayon ng PEDIPO, matapos makahikayat ang Provincial Government ng Major Investments sa Renewable Energy, Agriculture, at Tourism.
