KINAPOS si EJ Obiena sa 2024 Diamond League makaraang magtapos sa ika-pitong puwesto mula sa walong lumahok sa Bauhaus-Galan Tournament sa Stockholm, Sweden.
Dalawang beses sinubukan ng Filipino Pole Vault na ma-clear ang 5.70 meters subalit hindi na ito nakasama pa sa contention matapos mabigo na tawirin ang 5.85 meters sa tatlong attempts.
Muling namayagpag sa naturang tournament ang hometown bet na si Mondo Duplantis ng Sweden makaraang makapagtala ng 6 meters.
Si Obiena ay galing sa second place finish sa Oslo Bislett games noong biyernes ng umaga.