PATULOY na binabantayan ng pnp ang sitwasyon sa EDSA Shrine, kahit bumaba na sa dalawampu ang bilang ng mga taong nagtipon-tipon sa lugar.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na wala namang untoward incidents na nai-report simula nang dumagsa ang mga tagasuporta ng pamilya duterte noong nakaraang martes, Nov. 26.
Aniya, hanggang ala syete kahapon ng umaga ay tahimik sa paligid ng EDSA Shrine, batay sa monitoring ng nasa dalawandaang pnp personnel na naka-deploy sa lugar.
Sa naunang araw ng pagdagsa ng supporters ng mag-amang dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte, ay nagsagawa sila ng programa sa EDSA Shrine hanggang ala una ng madaling araw.
Naglabas din ang PNP ng video kung saan nakita ang ilang tagasuporta ang binabayaran ng pera kapalit ng kanilang presensya sa lugar, na mariin namang itinanggi ng ilang supporters.