LABINLIMANG mga bata ang humihingi ng suporta mula sa pamahalaan matapos ma-deport ang kanilang mga dayuhang ama na dating nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz, ang mga bata na may mga inang Pilipina, ay mula sanggol hanggang tatlong taong gulang.
Sinabi ni Cruz, na kada linggo ay pumupunta sa kanila ang ina ng mga bata para humingi ng pambili ng gatas at diaper at kung minsan ay pambayad sa apartment.
Hindi naman aniya nila pwedeng tanggihan ang mga ito dahil mga collateral damage sila na bunga ng iligal na operasyon ng POGO sa bansa.
Idinagdag ni Cruz na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa naturang problema.