TIWALA ang Eastern Visayas Regional Development Council (RDC), na mas mataas ang tsansa na mapondohan ang mga panukalang proyekto sa rehiyon para sa susunod na taon.
Sinabi ni Meylene Rosales, RDC Vice Chairperson at Regional Director ng National Economic and Development Authority, na inobliga nila ang project proponents na magsumite ng mga dokumento bilang patunay na handa ang mga ahensya na gawin ang mga naturang proyekto.
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Pangulong Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng mga ambulansya para sa Eastern Visayas
Good Referral System, hiniling ng Eastern Visayas Medical Center sa gitna ng pagdagsa ng mga pasyente sa ospital
Aniya, nagtakda ng polisiya ang RDC na hindi i-endorso ang anumang proyekto sa national government kung ang kanilang proposals ay hindi handa para sa implementasyon.
Binigyang diin ni Rosales na ang pagkumpleto sa implementation-ready documents ay magpapalakas sa funding prospects, sa pamamagitan ng pagtiyak na handa na ang proyekto na maipatupad bago pa man maaprubahan.