NAGPADALA ang Office of Civil Defense (OCD) sa Eastern Visayas ng panibagong batch ng Humanitarian Assistance sa mga lugar sa Northern Cebu na naapektuhan ng Magnitude 6.9 na lindol noong Sept. 30.
Kabuuang 24,290 Bottles ng Drinking Water ang ipinadala via C-130 Aircraft sa pamamagitan ng Joint Efforts ng Philippine Air Force at Japan Air Self-Defense Force.
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Banchetto De Calbayog Charter Feast Edition!
Bilang ng mga pasyente sa Samar Provincial Hospital, lumobo!
‘Sakay Na’ Program, pinalawak ng Calbayog City LGU; sasakyan, itinurnover sa Tarabucan National High School
Sinabi ni OCD Eastern Visayas Director Lord Byron Torrecarion, na layunin ng naturang operasyon na tugunan ang agarang pangangailangan para sa ligtas na inuming tubig ng mga pamilya sa Bogo City at mga kalapit na bayan.
Una nang nag-deploy noong Oct. 2 ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council na pinamumunuan ni Torrecarion ng team mula sa iba’t ibang Government Agencies sa Northern Cebu.
Kabilang sa kanilang bitbit ay Emergency Telecommunications Equipment, Mobile Water Filtration Units, Water Tanker, Packs of Bottled Water, at isang Mobile Kitchen.