Easterlies at localized thunderstorms ang iiral sa buong bansa ngayong biyernes.
Ayon sa PAGASA, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain showers o thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
Samantala, patuloy pa ring mararanasan sa ilang bahagi ng bansa ang dangerous level ng heat index na 42 hanggang 51 degrees celsius na maaring magdulot ng heat cramps, exhaustion, at heat stroke.