22 April 2025
Calbayog City
National

Cloud seeding operations, inihahanda na sa mga lugar na apektado ng El Niño

Inihahanda na ng Department of Agriculture ang cloud seeding operations sa mga lugar na apektado ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel de Mesa, nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Soil and Water Management, maging mga concerned DA regional directors sa Pagasa, Office of Civil Defense at Philippine Air Force para sa naturang operasyon.

Sinabi ni de Mesa na cloud seeding ang kanilang last resort.

Idinagdag ng opisyal na nakapagsagawa na ng cloud seeding sa Quirino, Isabela, partikular sa Magat Watershed.

Mayroon na ring standby fund na inilaan sa Western Visayas para sa posibleng cloud seeding operations.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *