NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 6,397 family food packs sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng baha sulot ng shear line sa Eastern Samar.
1,230 family food packs ang ipinamahagi sa Arteche; 1,883 sa Jipapad; 1,584 sa Maslog; at 1,700 sa Oras.
ALSO READ:
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Sinabi ng DSWD na inuna nilang bigyan ng food assistance ang apat na bayan matapos makaranas ng matinding pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan noong nakaraang linggo.
Ang isang box ng family food pack ay sapat para pakainin ang isang pamilya na may dalawa hanggang tatlong miyembro sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.
