WALO pang lugar sa bansa ang posibleng mag-anunsyo ng dengue outbreak, sa gitna ng paglobo ng kaso ng virus nitong mga nakalipas na linggo, ayon sa Department of Health (DOH).
Tumanggi naman si Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo na tukuyin ang walong lugar, bagaman ang mga ito aniya ay matatagpuan sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.
Una nang nagdeklara ang Quezon city noong sabado ng dengue outbreak, kasunod ng pagsirit ng kaso ng virus na ikinasawi ng sampung pasyente sa lungsod ngayong taon.