8 July 2024
Calbayog City
Business

E-Games inaasahang malalagpasan ang kita ng Physical Casinos sa mga susunod na taon, ayon sa PAGCOR

pagcor

INAASAHANG malalagpasan ng Electronic Games (E-Games) sa Pilipinas ang kita ng Land-Based Casinos sa mga susunod na taon, sa harap ng patuloy na paggamit ng teknolohiya para paunlarin ang local gaming industry.

Sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro Tengco Jr. na lumalaki ang nai-a-ambag ng e-gaming sa revenues ng ahensya at inaasahang marami pa itong maiaakyat na kita.

Naniniwala si Tengco na sa mga susunod na taon ay posibleng makasabay ang e-gaming at malagpasan pa ang kita ng physical casinos, dahil sa mga mas batang players at ibang mga tao na ayaw makitang naglalaro sila sa mga casino.

Mas convenient din aniyang maglaro o tumaya habang nasa bahay o opisina, kaysa magtungo pa sa isang physical casino.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *