OPISYAL nang idineklara ang bayan ng Catarman sa Northern Samar sa ilalim ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) Condition, na nangangahulugan ng estado nito bilang “Insurgency Free” matapos ang ilang taong Peace-Building Efforts.
Kinikilala ng deklarasyon ang tagumpay ng Catarman sa pag-abot ng pangmatagalang kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagsisikap ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) sa pangunguna ni Mayor Dianne Rosales.
DPWH, humihirit ng 140 million pesos na Repair Fund para sa Calbiga Bridge sa Samar
19.5K seafarers, sinanay ng National Maritime Polytechnic sa unang 9 na buwan ng 2025
Malawakang pagbaha at Landslide, naitala sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas
Ekonomiya ng Tacloban City, lumago ng 8.2% noong 2024
Inihayag ni Lt. Col. Jayson Que, Commander ng 43rd Infantry Battalion ng Philippine Army, na ang deklarasyon ay resulta ng matatag na kolaborasyon ng Local Government, Security Forces, at mga residente.
Nagsilbing Highlight sa seremonya ang paglagda sa Memorandum of Understanding sa pagitan ng Catarman Local Government, Philippine Army, at Philippine National Police, na sumisimbolo sa kanilang Shared Commitment para mapanatili ang Peace and Security.