13 October 2025
Calbayog City
Local

Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu

NAGPADALA ang Office of Civil Defense (OCD) sa Eastern Visayas ng panibagong batch ng Humanitarian Assistance sa mga lugar sa Northern Cebu na naapektuhan ng Magnitude 6.9 na lindol noong Sept. 30.

Kabuuang 24,290 Bottles ng Drinking Water ang ipinadala via C-130 Aircraft sa pamamagitan ng Joint Efforts ng Philippine Air Force at Japan Air Self-Defense Force.

Sinabi ni OCD Eastern Visayas Director Lord Byron Torrecarion, na layunin ng naturang operasyon na tugunan ang agarang pangangailangan para sa ligtas na inuming tubig ng mga pamilya sa Bogo City at mga kalapit na bayan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).