13 October 2025
Calbayog City
Business

DTI, planong babaan ang taripa sa mga produkto ng US


BUKAS ang pamahalaan na ibaba ang taripa sa US goods bilang tugon sa ipinataw na 17% reciprocal tariff ni US President Donald Trump sa mga produkto ng Pilipinas.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina ROQUE, na pag-aaralan nila ang hakbang na ito at sa katunayan ay magkakaroon ng pulong ang economic team, sa lalong madaling panahon.

Aniya, tiyak na babawasan ang tariffs sa US products subalit pag-uusapan pa ng economic team kung hanggang saan ang maaring ialok ng Pilipinas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).