NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang isang kargamento na naglalaman ng 1,098 gramo ng high-grade marijuana o “kush” at sampung piraso ng cannabis-infused disposable vapes.
Ayon sa BOC, idineklarang naglalaman ng “tub shower faucet set,” ang kargamento na galing ng Arizona, United States at patungo sana ng Quezon City.
4 katao, patay sa salpukan ng jeepney at dump truck sa Luna, Isabela
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Hinarang ito matapos makita ang kahina-hinalang imahe nang dumaan sa X-ray.
Sa isinagawang physical examination natuklasan ang isang black vacuum-sealed plastic bag na may lamang 30 disposable vape pens, 10 dito ay kumpirmadong cannabis-infused.
Mayroon ding tatlong transparent plastic packs na naglalaman ng dried leaves at fruiting tops na kalaunan ay nakumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na high-grade marijuana.
Sa kabuuan ay aabot sa P1.663M ang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.
Nagpalabas ng warrant of seizure and detention sa kargamento dahil sa paglabag sa R.A. No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to R.A. No. 9165.
