HALOS apat na milyong pisong halaga ng Humanitarian Assistance ang ipinagkaloob sa iba’t ibang lalawigan sa Mindanao na naapektuhan ng baha na dulot ng mga pag-ulang dala ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, kabilang sa mga lalawigang nahatiran ng tulong ay ang Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, Misamis Oriental, North Cotabato, Sarangani, at Sultan Kudarat.
Sinabi ng DSWD na mahigit 57,000 families o mahigit 176,000 individuals mula sa 143 barangays sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Region ang apektado.
Tinukoy ng ahensya ang Maguindanao Del Sur na may pinakamaraming pamilyang naapektuhan, kung saan mahigit limampung libo sa mga ito ay nagmula sa isandaan at sampung barangay.