24 June 2025
Calbayog City
Overseas

US President Donald Trump, tinawag na siraulo si Russian President Vladimir Putin

HINDI ikinatuwa ni US President Donald Trump ang ginawa ng kanyang Russian counterpart na si Vladimir Putin, matapos maglunsad ang Moscow ng Largest Aerial Attack sa Ukraine.

Sa bibihirang pagkastigo, tinanong ni Trump kung ano ang nangyayari kay Putin at pumapatay ng maraming tao, saka ito tinawag na “Absolutely Crazy.”

Hindi bababa sa labingdalawa ang nasawi habang ilan pa ang mga nasugatan sa Ukraine sa loob lamang ng magdamag, makaraang magpakawala ang mahigit tatlundaang drones at missiles ang Russia.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng pinakawalang bomba ng Russia sa Ukraine sa loob lamang ng isang gabi mula nang ilunsad ni Putin ang Full-scale Invasion noong 2022.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).