IDINEKLARA ng Landbank of the Philippines ang record-high na 33.53 billion pesos na cash dividends sa national government.
Dahilan para manatili ito bilang top contributor mula sa Government-owned and Controlled Operations (GOCCs) sa loob ng dalawang sunod na taon.
Ang pinakahuling dibidendo ay kumpara sa 32.12 billion pesos na ni-remit ng Landbank noong 2024.
Sa ilalim ng Republic Act 7656 o The Dividend Law, obligado ang mga GOCC na ideklara at iremit ang hindi bababa sa 50% ng kanilang kabuuang kita bilang dibidendo sa national government.