NAGHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 176,050 Family Food Packs upang palakasin ang kanilang pagtugon sa epekto ng masamang panahon sa Eastern Visayas.
Sinabi ni DSWD 8 Eastern Visayas Information Officer Jonalyndie Chua na pinalalakas nila ang kanilang stocks para sa epekto ng Rainy Season, kabilang na ang kasalukuyang Low Pressure Area (LPA) at Habagat.
ALSO READ:
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Aniya, palaging handang tumugon ang DSWD, at tuloy-tuloy ang kanilang pagmonitor sa sitwasyon sa mga apektadong Local Government Units.
Ang stock ng Food Supplies at Non-Food Items na nagkakahalaga ng 163.15 million pesos ay magbibigay ng katiyakan sa mabilis na delivery ng Relief Goods sakaling tumama ang matinding pagbaha at iba pang mga sakuna.
