NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 24.8 million pesos na halaga ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Typhoon Tino sa Eastern Visayas.
Sa Situation Report ng ahensya, ang Relief Aid ay binubuo ng 42,155 Family Food Boxes, 124 Ready-To-Eat Food Packs, at 1,767 Non-Food Items, na ipinamahagi sa mga apektadong indibidwal at pamilya sa rehiyon.
ALSO READ:
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Bawat Family Food Box ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, limang sachets ng kape, limang serial energy drinks, at sampung canned goods – sapat para masuportahan ang isang pamilya na may limang miyembro sa loob ng isang araw.
Aabot sa 141,423 families o 499,360 individuals ang naapektuhan ng Bagyong Tino nang manalasa ito sa Eastern Visayas noong Nov. 4.
