NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 2,078 Family Food Packs (FFPs) sa mga trucker at porter na stranded bunsod ng 3-Ton Load Limit sa San Juanico Bridge.
Bukod sa FFPs, nagbigay din ang ahensya ng mahigit apatnaraang bote ng tig-6.6 liters ng inuming tubig at 14,000 pesos na halaga ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Inihayag ng DSWD na sa kabuuan ay mahigit 1.2 million pesos na halaga ng food and non-food items at AICS ang naipamahagi sa mga stranded sa Leyte at Samar, na karamihan ay mula sa iba’t ibang rehiyon.
Nananatili ring naka-standby ang Disaster Response Management Division, maging ang Designated Help Desk sa magkabilang bahagi tulay sa Leyte at Samar, para agad makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
