KINUMPIRMA ng Office of the VIce President (OVP) na natanggap na nila ang Writ of Summons ng Senate Impeachment Court.
Nakasaad dito na kailangang tumugon si Vice President Sara Duterte sa loob ng sampung araw mula nang matanggap ang Articles of Impeachment na trinansmit ng House of Representatives.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Inatasan din ng Impeachment Court si VP Sara na humarap sa Korte, sa petsang iaanunsyo ng presiding officer.
Pasado alas onse ng umaga, kahapon, nang matanggap ng OVP ang summons na nilagdaan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer.
Pinirmahan ni Escudero ang order para isilbi ni Senate Sergeant-at-Arms Lt. Gen. Roberto Ancan ang summons kay Duterte at mag-report pabalik sa loob ng tatlong araw.
