Natanggap na ng 1,512 na tutors mula sa Eastern Visayas ang kanilang payout para sa “Tara Basa Tutoring Program” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang 1,512 ay pawang college students mula sa Northwest Samar State University (NwSSU), Samar State University, Eastern Visayas State University (EVSU) Main Campus, Leyte Normal University, EVSU Ormoc Campus at City College of Ormoc na nagging bahagi ng 20-araw ng cash-for-work ng ahesya.
Bawat isa ay nakatanggap ng 8P,550 base sa umiiral na Regional Minimum Wage.
Sa kasagsagan ng programa, mayroong 1,008 na college students ang nagsilbing reading tutors para sa mga non-reader incoming Grade 2 pupils, habang ang 504 naman ay sinamay bilang Youth Development Workers para magsagawa ng “Nanay-Tatay” sessions sa magulang ng mga estudyante.
Aabot sa 5,040 na mga batang mag-aaral at 5,014 na magulang ang nakinabang sa tutoring program.