Inaasahang lalabas din agad ng bansa ang bagyong Fabian na binabantayan ng PAGASA sa Northern Luzon.
Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 245 kilometers West ng Laoag City, Ilocos Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa at inaasahang lalabas din agad ito ng Philippine Area of Responsibility ngayong gabi.
Inaahasan ding hihina ito at magiging LPA muli sa paglabas nito sa bansa.
Samantala ang Tropical Storm na may international name na “Podul” ay patuloy pa ring binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.