7 July 2024
Calbayog City
Local

Drug den nabuwag sa Calbayog City, Samar

drug den

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakabuwag sa isang drug den sa Brgy. Hamorawon, Calbayog City, Samar. 

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Calbayog City Police Station, PDEA Region 8, katuwang ang PNP at AFP. 

Ayon sa provincial officer ng PDEA-8, isang buwan na isinailalim sa monitoring ang mga suspek at ang lugar. 

Ikinasa ng PDEA-8 ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakabuwag ng drug den at pagkakaaresto sa mga suspek na kinilalang sina Irene Ramirez, maintainer; Loren Ramirez- co-maintener; Arnold Monares; Sateno Escalante at Raffy Gacula na pawang inabutan sa drug den. 

Nakumpiska sa mga suspek ang ilegal na droga na humigit-kumulang 50-gramo at tinatayang aabot sa P350,000 ang halaga. 

May nakumpiska ding buy-bust money na P1,000, 3 unit na cellphone at drug paraphernalia. 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pansamantala silang nakakulong sa Calbayog CPS detention facility.

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *