PINAYAGAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga truck na may bigat na 30 tons na dumaan sa San Juanico Bridge tuwing gabi.
Sa public advisory, sinabi ng ahensya na maari ng dumaan ang 30-ton trucks at iba pang mabibigat na sasakyan na tumawid sa tulay, simula alas diyes ng gabi hanggang ala singko ng umaga.
ALSO READ:
Gagawin ito ng one-way-at-a-time basis, bilang bahagi ng traffic and safety management measures.
Pinaalalahanan ng DPWH ang mga motorista na sumunod sa safety regulations habang dumadaan sa tulay, kabilang na ang pag-maintain sa Maximum Speed Limit na 30 kilometers per hour at pagpapanatili ng minimum distance na 40 meters sa pagitan ng mga sasakyan.




