26 June 2025
Calbayog City
National

DPWH magsasagawa ng pagkukumpuni sa mga kalsadang daraanan ng traslacion

ISASAILALIM ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkukumpuni ang mga kalsadang daraanan ng traslacion ng itim na Poong Nazareno upang matiyak ang kaligtasan sa pagbabalik ng itinuturing na pinakamalaking religious event sa bansa.

Isasagawa ang maintenance sa mga kalsada, alinsunod sa direktiba ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, kasunod ng joint inspection, kasama ang Feast of the Black Nazarene Committee.

Sinabi ni DPWH National Capital Region (NCR) Director Loreta Malaluan na tatapalan ang lubak o hukay sa mga kalsada, tatabasin ang mga sanga ng puno, at aalisin ang iba pang mga nakasasagabal sa lansangan, para sa maayos at tuloy-tuloy na pagdaan ng traslacion.

Idinagdag ni Malaluan na maglalagay din sila ng temporary railings sa Arlegui Bridge para sa mga deboto ng pinaniniwalaang mapaghimalang poon na magdaraos ng kapistahan sa ika-siyam ng Enero.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *