HUMIHIRIT ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Samar 2nd District Engineering Office ng 140 million pesos para sa Retrofitting at Repair ng Calbiga Bridge.
Kasunod ito ng Structural Assessment, kamakailan, kung saan natuklasan ang iba’t ibang problema na nakaaapekto sa Stability ng tulay.
Saklaw ng Proposed Fund ang Retrofitting ng mahahalagang Components ng tulay sa kahabaan ng Maharlika Highway, kabilang ang Expansion Joint, Damaged Bearing at Restraint Steel Bed, at Corroded Bottom Flanges ng Girders.
Lumitaw din sa Assessment ang Corrosion at Section Loss sa Railings ng Calbiga Bridge at Loose Connection sa isang Additional Girder.
Ayon sa DPWH, ang mga Damage ay iniuugnay sa matagal nang pagse-serbisyo at paulit-ulit na Overloading sa tulay na itinayo mahigit limampung taon na ang nakalipas.