INAASAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maitataas sa 1.1 hanggang 1.9 percent ang Inflation para sa nagdaang buwan ng Nobyembre.
Ayon sa BSP, ang Upward Price Pressures para sa naturang buwan ay repleksyon ng bahagyang epekto ng masamang panahon sa tumaas na presyo ng bigas, isda, at prutas.
ALSO READ:
Utang ng Pilipinas, umakyat sa 17.56 trillion pesos noong Oktubre
Electric Vehicle Sales, inaasahang aabot sa 50,000 units hanggang sa katapusan ng 2025
Pilipinas, inaasahang hindi maaabot ang Economic Growth Target sa ika-3 sunod na taon
Marcos Administration, kumpiyansang makababawi ang ekonomiya ng Pilipinas sa 2026
Sinabi rin ng Central Bank na nakapag-ambag din sa Price Pressures ang tumaas na singil sa kuryente at presyo ng petrolyo, pati ang pagbaba ng halaga ng piso.
Gayunman, maaring bahagyang ibawas ang naturang factors sa bumabang presyo ng karne at mga gulay.
