25 April 2025
Calbayog City
National

DOJ, wala pang natatanggap na impormasyon tungkol sa arrest warrant ng ICC laban sa mga respondent ng war on drugs

doj icc

Wala pang natatanggap na anumang impormasyon ang Department of Justice (DOJ) tungkol sa posibleng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte at iba pang respondents na sangkot sa imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

Una nang isiniwalat ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng ilabas ng ICC ang arrest warrant sa Setyembre.

Gayunman, sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na hindi sila aware sa naturang impormasyon, at wala sa government agencies ang na-impormahan tungkol dito.

Nanindigan ang pamahalaan na hindi tutulungan ang ICC sa imbestigasyon nito sa drug war subalit hindi pipigilan ang korte na kontakin ang personalidad na gusto nilang interbyuhin.

Inihayag ni Vasquez na ang huling aksyon na maaring gawin ng ICC ay humiling ng diplomatic permission mula sa Department of Foreign Affairs para magsagawa ng interviews, subalit wala na itong saysay dahil wala na ang Pilipinas sa hurisdiksyon ng ICC.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.