15 March 2025
Calbayog City
National

DOJ, nanawagan kay VP Duterte na humarap sa imbestigasyon ng NBI

UMAPELA ang Department of Justice (DOJ) kay Vice President Sara Duterte na magtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos itong i-subpoena bunsod ng umano’y death threat laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ginawa ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez ang panawagan matapos una nang sabihin ni Duterte na hindi siya sisipot sa imbestigasyon ng NBI, ngayong Miyerkules, Dec. 11.

Binigyang diin ni Vasquez na bahagi ito ng legal process, at mainam na iprisinta ni VP Sara ang sarili nito, upang ipakita ang pagtalima nito sa rule of law, at respeto sa pagsisiyasat ng law enforcement agencies.

Nag-ugat ang imbestigasyon ng NBI nang ibunyag ni Duterte sa virtual presscon, na kumontak na siya ng tao na papaslang kina Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos-Araneta, at Speaker Martin Romualdez, kapag nagtagumpay aniya ang plano na patayin siya.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.