IPINAUUBAYA na ng Department of Justice sa Panel of Prosecutors ang susunod na hakbang makaraang ibasura ng korte sa Muntinlupa ang ikatlo at huling drug case laban kay dating senador Leila De Lima.
Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, hihintayin nila ang magiging rekomendasyon ng mga prosecutor, bagaman mayroon nang double jeopardy.
ALSO READ:
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Sa ilalim ng 1987 Constitution, protektado ang mga indibidwal laban sa double jeopardy, na ang ibig sabihin ay hindi maaring litisin ang isang tao sa kaparehong kaso nang dalawang beses.
Noong Lunes ay dinismis ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 ang natitirang drug case ni De Lima, matapos katigan ang Demurrer to Evidence na inihain ng dating mambabatas.
