12 July 2025
Calbayog City
Local

DOH, sinanay ang health workers para tugunan ang tumataas na kaso ng depresyon sa Eastern Visayas

SA kabila ng pagkakaroon lamang ng labing anim na registered psychiatrists sa Eastern Visayas, tiniyak ng Department of Health (DOH) na kayang tugunan ng isandaang porsyento ng kanilang health care facilities ang basic mental health services nang libre.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng paglobo ng kaso ng depresyon sa mga nakalipas na taon.

Sa pamamagitan ng Mental Health Gap Action Program, isang World Health Organization Initiative na pinangangasiwaan ng DOH, sinanay ang mga municipal health doctors at city health officers para ma-identify, ma-assess, at ma-manage ang mga karaniwang mental health condition.

Layunin nito na magarantiyahan ang napapanahon at epektibong pangangalaga sa komunidad para sa mga nangangailangan ng mental at health support.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).