15 March 2025
Calbayog City
Local

DOH Eastern Visayas, pinag-a-apply ang mga LGU para sa super health centers

HINIMOK ng Department of Health (DOH) Eastern Visayas ang Local Government Units (LGUs) na mag-apply para sa pondo upang makapagpatayo ng sarili nilang super health centers, na upgraded version ng rural health units na nag-aalok ng karagdagang medical services at equipment.

Ayon kay Engr. Narcissa Zeta ng DOH-8 Health Facility Enhancement Program, layunin ng super health centers na palawakin ang healthcare access, partikular sa mga lugar na hindi gaanong nase-serbisyuhan.

AIRASIA

Sa ngayon aniya, sa lalawigan lamang ng Leyte ay dalawampung LGUs pa lamang ang nag-apply ng pondo para sa super health centers, kabilang ang siyam na operational na.

Matatagpuan ang mga ito sa Baybay city at sa mga munisipalidad ng Bato, Dulag, Kananga, Alangalang, San Isidro, Albuera, Tanauan, at Inopacan.

Noong Feb. 28 ay pinangunahan ni Zeta at iba pang DOH officials ang groundbreaking ceremony para sa bagong super health center sa Matag-ob, Leyte na pinaglaanan ng 12 million pesos.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).