ILANG Filipino jet ski racers ang nakasungkit ng medalya sa katatapos lamang na WGP-1 Waterjet World Cup 2025 na ginanap sa Pattaya City sa Thailand.
Pumangalawa si Anton Ignacio na nagwagi ng silver medal sa Amateur Runabout 1100 Stock Event.
ALSO READ:
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Nasa pang-lima at pang-anim na pwesto sa kaparehong event sina Angelo Inigo Abille Ventus at Kristine Kate Mercado, na kapwa namayagpag sa ibang events sa kompetisyon.
Nagwagi ng gintong medalya si Mercado sa Women Runabout 1100 Stock Event habang nanguna rin si Ventus sa Novice Runabout Stock Event.
Sa Expert Ski GP Event, napasakamay ni Cody Lorenzo Pontino ang bronze medal habang pumangatlo rin si Vito Tinio sa Junior 13-15 Spark Stock Event.
