IBINIDA ng pag-IBIG Home Development Mutual Fund ang pinakamataas na dibidendo na kinita nito sa loob ng apatnapu’t apat na taon sa serbisyo.
Inihayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at pag-IBIG Fund Board of Trustees Head Jose Rizalino Acuzar, na naitala sa 6.60 percent ang annual dividend rate ng pag-IBIG regular savings noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Lumobo naman aniya sa 7.10 percent ang modified pag-IBIG 2 (MP2) savings.
Sinabi ni Acuzar na ang naturang accomplishment ay direktang pakikinabangan ng kanilang mga miyembro, dahil ang 55.65 billion pesos na dibidendo na katumbas ng 82.71 percent ng kanilang net income ay lagpas sa 70-percent dividend requirement ng batas.