UUMPISAHAN na muli ng Commission on Elections ang pag-imprenta ng mga balota para sa Parliamentary Elections na idaraos sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa October 13.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sa Resolusyon ng Poll Body, napagpasyahan na ituloy na ang paghahanda sa Halalan sa BARMM base sa pitumpu’t tatlong (73) distrito.
Samantala pormal na ring magsisimula ang Campaign Period sa BARMM mula August 28 hanggang October 11, 2025.
Sa kasagsagan ng Kampanya, bawal magbigay ng donasyon ang mga kandidato at kaniyang pamilya; bawal din ang magtalaga o gumamit ng Special Policemen at Confidential Agents.
Bawal na din ang pagkuha ng bagong empleyado, paglikha ng bagong posisyon sa ahensya gobyerno, mag-promote at magbigay ng salary increase.




