NAGPAHAYAG ang Department of Education (DepEd) sa Eastern Visayas (Region 8) ng labis na pagkabahala at mariing pagkondena, kasunod ng pagkasawi ng isang public school teacher bunsod ng pamamaril sa loob ng classroom sa Matalom, Leyte.
Sinabi ng Deped Region 8 na labis na nakaapekto ang insidente sa Education Community, kasabay ng pagbibigay diin na kailangan na agarang palakasin ang Safety at Security Measures sa mga eskwelahan upang ma-protektahan ang mga mag-aaral at personnel.
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Nagpaabot din ang DepEd Region 8 ng simpatya at pakikiramay sa biktima, sa pamilya nito, at buong School Community.
Nangyari ang insidente, dakong alas onse ng umaga noong Miyerkules sa Agbanga Elementary School, kung saan binaril ang trenta’y nueve anyos na guro na si alyas “Ellen” ng kanyang kwarenta’y nueve anyos na asawa na si alyas “Lino.”
Matapos ang krimen ay tumakas ang suspek, sakay ng minivan subalit kalaunan ay nasangkot sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Town Center.
Gayunman, kinumpirma ng mga awtoridad na nasawi ang salarin matapos magpatiwakal sa kanilang bahay, pagkatapos ng komprontasyon sa mga alagad ng batas.
