NAKATAKDANG ipatupad ng Department of Education (DepEd) ang 30.56 billion pesos na infrastructure for Safer and Resilient Schools (ISRS) Project.
Ito ay hindi lamang para matiyak ang recovery ng disaster-affected schools, kundi para mabawasan din ang pagkagambala sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Kasunod ito ng pag-apruba ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa multi-billion peso project para sa rehabilitation at reconstruction ng mga paaralan sa labas ng Metro Manila, na napinsala ng mga kalamidad simula 2019 hanggang 2023.
Inilarawan ng DepEd ang ISRS Project, na ipatutupad simula 2025 hanggang 2029, bilang “critical part” ng Matatag Agenda ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Ayon sa ahensya, inaasahang makikinabang sa proyekto ang 4,756 school buildings, 13,101 classrooms, at nasa 741,038 learners mula sa 1,282 target school beneficiaries.