“Mission Accomplished!”
Ito ang ipinagmalaki ni Atin Ito Co-Convenor at Akbayan President Rafaela David, matapos malagpasan ang panghaharang na ginawa ng China sa West Philippine Sea.
Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas
DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang
Zaldy Co, nagtatago sa gated community sa Portugal, ayon sa DILG
Subpoena laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakaumang na, ayon sa DOJ
Nagawang tawirin ng advance team ng Philippine Civilian Mission ang pulutong ng Chinese Vessels para makarating sa Bajo De Masinloc at makapaghatid ng supplies sa mga mangingisdang pinoy.
Idinagdag ni David na patunay ito ng katalinuhan, pagiging mapamaraan, at katapangan ng mga Pilipino sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok.
Ayon sa Atin Ito, isang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng Civilian Mission, ay naglayag ang advance team noong Martes.
Dumating ang grupo, 25 to 30 nautical miles sa General Vicinity ng Scarborough Shoal noong Miyerkules.
