Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa pagpanaw ng grade 10 student mula sa isang hindi tinukoy na public school sa Maasin, Iloilo.
Sa statement ng DepEd, pumanaw ang hindi pinangalanang mag-aaral noong may 10, araw ng Biyernes.
Hindi rin tinukoy ng ahensya ang cause of death subalit mayroon umanong psychological interventions na ibinigay ang Child Protection Committee (CPC) ng paaralan sa mga apektadong mga kaibigan at mga guro na malapit sa estudyante.
Umapela rin ang DepEd sa publiko na iwasan ang pagkakalat ng hindi beripikadong impormasyon tungkol sa pagkamatay ng mag-aaral bilang respeto sa pamilyang nagdadalamhati.
Sa pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng nagpapakamatay, una nang nanawagan si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel noong June 2023 kay pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng mental health emergency bilang tugon sa daan-daang kabataan na nakararanas ng academic at economic pressures mula sa lipunan.