5 July 2024
Calbayog City
Local

Dengue cases sa Eastern Visayas, bumaba ng mahigit 40%.

BUMABA ang dengue cases sa Eastern Visayas sa 2,653 simula Enero hanggang kalagitnaan ng Setyembre ngayong taon.

Ayon sa Department of Health Region 8, mas mababa ito ng 44 percent kumpara sa 4,719 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.

Sa kabuuang kaso, siyam ang nasawi habang 2,415 ang na-ospital makaraang makaranas ang mga biktima ng mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, rashes at pagdurugo.

Sa tala ng DOH, mahigit 1,100 cases ay mula sa Leyte.

Iniugnay naman ni Leonido Olobia, DOH Eastern Visayas Regional Dengue Program Manager, ang pagbaba ng dengue infections sa rehiyon sa early fogging operations, alinsunod sa abiso ng ahensya sa local authorities.

Nagkaroon din aniya ng agresibong search and destroy activities sa mga lugar na may clustering ng dengue cases.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *