UMAKYAT ang debt service bill ng national government noong Oktubre, dahil sa pagtaas ng amortization payments para sa domestic borrowings.
Sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo sa 216.85 billion pesos ang debt service bill noong ika-sampung buwan.
Mas mataas ito ng 179 percent kumpara sa 77.76 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang debt service bill ay tumutukoy sa bayad ng gobyerno sa mga utang sa loob at labas ng bansa.