NATIKMAN ng Barangay Ginebra ang kanilang unang talo sa PBA Commissioner’s Cup, linggo ng gabi, sa Ynares Center sa Antipolo City.
Sinilat ng Hong Kong Eastern ang Gin Kings, sa score na 93-90, sa pangunguna ni Hayden Blankey na gumawa ng 25 points.
Naitala ng Eastern ang pinakamalaki nitong lamang, 70-57, sa kalahati ng third period hanggang sa magtapos ang quarter sa 73-67, pabor sa Hong Kong-Based Team.
Dahil dito, umakyat sa 5-1 ang standing ng eastern habang nalaglag sa 2-1 ang Ginebra.