NAGING sentro ng biruan at punchlines si Kim Chiu sa skit ng “It’s Showtime” sa Christmas Special ng ABS-CBN.
Nangyari ito nang pangunahan ng main host na si Vice Ganda ang trending na “Suspek Suspek” Segment, kasama ang ilan sa kanyang co-hosts, kabilang na si Kim.
Biniro pa ni Vice ang aktres sa pagsasabing hindi pa nito ibinubunyag ang bagong boyfriend dahil nais pa umano nitong kumonsulta sa feng shui expert upang i-check ang kanilang compatibility.
Umani ito ng tawanan mula sa mga manonood, dahil alam nila na ang pinatutungkulan ni Vice ay ang onscreen partner ni Kim na si Paulo Avelino.
Sa backstage, ay kinumpirma ni Kim na si Paulo nga ang ibinulgar ni Vice na anonymous guy na naka-sumbrero at bumisita kanya sa dressing room.