BUMABA ang debt service ng national government noong Pebrero, ayon sa Bureau of Treasury.
Batay sa pinakahuling datos, bumagsak ng 82.24% o sa 52.12 billion pesos ang binayarang utang ng pamahalaan noong Pebrero, mula sa 293.62 billion pesos na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mababa rin ito ng 51.03% mula sa 106.51 billion pesos na debt service noong Enero.
Malaking bahagi ng binayarang utang noong Pebrero o 92.89% ng total debt service ay napunta sa interest habang ang natitira ay ibinayad sa amortization.