24 June 2025
Calbayog City
Overseas

Russia, binomba ang Sumy City sa Ukraine; tatlumpu’t apat patay sa pinakamadugong pag-atake ngayong taon

PINAULANAN ng ballistic missiles ng Russia ang Northeastern City ng Sumy sa Ukraine.

Tatlumpu’t apat katao ang nasawi sa naturang pag-atake, at nagdulot ng takot sa mga residente na nasa gitna ng paggunita sa Palm Sunday at dumadalo sa misa.

Ayon sa State Emergency Service sa Ukraine, ito na ang pinakamadugong pag-atake sa nagpapatuloy na sagupaan ng dalawang bansa ngayong taon.

Kabilang umano sa mga nasawi sa sentro ng lungsod ay dalawang bata habang isandaan at labimpito katao ang nasugatan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).